Welcome, Ma'am Roan!

HI MAAM!

Nais ko pong iparating sainyo ang aking mensahe, na ako ay mag ddrop na. JK! I hope this message finds you well po, at nais ko agad magpasalamat sa limang buwan ng pagtuturo at pagtitiis saming 2B (sobrang iingay po ba HAHAHAH).

Kabilis po pala ng panahon, nung una ay medyo natatakot pa po ako sainyo (ToT), pero nung kinalaunan, medyo takot parin po pala ako, JK HAHAHA. Masaya rin po pala kayo maging prof, and nagustuhan ko po ang style of teaching nyo. Mabilis ko po lagi na ppick-up ang lessons(and mabilis rin nakakalimutan). And nung online po namin kay mamu, at nareveal po ang tunay na ugali naming 2B, at mas naging open po kayo samin, at kami sa inyo, mas lalo kong naramdaman ang gaan ng loob sa mga klase natin.

Undecided pa rin po ako sa kukunin kong major next year. Nabanggit ko po sa accre na di ko po forte ang design, so medyo namimili po ako between NST or DST. And nung presentation po ng case study namin ni Yno, napilitan po akong mag design at nung napuri nyo po yung design choices namin, siguro madadagdag na ang WST sa pamimilian kong major hihi. (thank you po ron maam, salamat ng sobrang rami).

I will surely miss 2B with you Maam, nahati na po kasi ang klase namin dahil yung iba ay lumipat na ng section. pero it's the friendships and memories that counts naman so gew. Muli, maraming maraming salamat po sa lahat Maam, happy holidays po!!